Pagsara ng ABS-CBN apektado ba ako?
Hindi maikaila na naging bahagi ang ABS-CBN ng buhay ko.Way back 1996 wala kaming TV at nakikinuod lang sa Tita ko.Kailangan naming lumakad sa dilim at magtakutan mapanuod lang ang paborito naming telenobela ng ABS-CBN. Di ko alam kung may iba bang channel noong panahong yun basta ang alam ko lang ABS-CBN nakikinuod lang naman kasi kami kung anong palabas e di yun din ang papanuorin naming nakikinuod dahil walang sariling telebisyon.Nakikiiyak kami sa bawat sakit na pinagdaanan ni Mara(Judy Ann Santos) at gigil na gigil kami kay Clara(Gladys Reyes) na inlove kami kay Christian (Wowee de Guzman) .Sinubaybayan ang ang bawat sulat na binabasa ni Charo Santos sa Maalaala Mo Kaya at iba pang palabas sa panahong yun.Ang alam lang ng batang katulad ko noon manuod at makinuod masaya na kami ng ate ko at iba pang mga bata na walang tv sa tahanan.
Noong 17 years old ako naging working student ako at naging parte pa rin ng buhay ko ang panunuod ng palabas ng ABS-CBN kahit na limitado lang dahil kapag nasa school ang amo kong teacher kinakandado niya ang kabinet na pinaglagyan ng tv baka daw kasi di na ako magtatrabaho at puro panunuod na lang ang gagawin ko.May kadamutan si Maam.Wala naman akong pakialam sa mga tv network noon basta kung ano mapanuod ko ok na ako doon.
May 4, 2020 habang nanonood ng TV patrol at nagpaalam sila on air inaamin ko nalulungkot ako at biruan naming mag-ina huhuhu paano na ang TV plus namin wala ng kwenta yun ang concern namin. Pero deep inside naiiyak talaga ako pinipigilan ko lang emosyon ko.Kasi yung naging parte ng buhay ko biglang mawala.Good to know kinabukasan may iba pang channel sa TV plus kahit paano may iba pang choices para panuorin.At noong binalik ang Jeepny TV at Asia Nobela laking tuwa namin.
Recently wala na lahat ang channels na sakop ng TV plus pinatigil na rin ito.No choice kami kundi manood kung ano mang natirang channel na masagap ng TV plus box.Di naman sa panig ako sa ABS-CBN may pinapanood din naman akong show sa GMA at TV 5 ngayong nandito na ako sa Metro Manila.Mas marami lang akong pinapanuod talaga sa Channel 2.Pag wala ka talagang pang cable itong mga channel na to lang talaga ang kaya mong panuorin.Kaya dagdag entertainment sana yung mga Free channels sa TV plus.
Maraming natutuwa sa pagsara ng ABS-CBN at marami akong hate messages na nababasa social media.Siguro may kanya kanya silang rason at nirerespeto ko ito.Nakakalungkot lang na ang mga taong matapang na nagpapakita ng suporta para maibalik sa ere ang ABS-CBN ay nakakatanggap ng negatibong komento. At galit sa kanila ang ibangbtao.
Isa lang akong ordinaryong mamamayan at manunuod ng telebisyon pakiramdam ko may nawala na parte ng buhay ko, parte ng tahanan literal na nawala ang ABS-CBN channel.Oo may GMA pa naman, may TV 5 at iba pa pero di ba mas masaya kung maraming pagpipilian.
Wala akong sapat na kaalaman tungkol sa batas at sa mga prosesong dapat gawin para maibalik ang ABS-CBN pero sana maging patas ang mga mambabatas.Kung may mali ang panig ng ABS-CBN sana maitama na ito.Inaamin ko may mga balita at opinyon akong napapanuod sa ABS-CBN na hindi ko nagustuhan ganun din sa GMA dahil wala namang perpekto lahat nagkakamali.Kung walang perpektong tao of course wala ding perpektong TV station.Sana lahat ay may kakayahang timbangin ang mga bagay- bagay at intindihin ng maigi ang mga ito buksan ang isipan at maging mapanuri sa mga napanuod at naririnig.
Kung maibalik na sa ere ang ABS-CBN sana maitama na nila ang pagkakamali nila.Tama ang sinasabi nilang lumalaban sila ng dasal. Minsan ang pananahimik at pagdarasal ang mabisang paraan.Pray ng taos puso and if it's God's will maging ok din ang lahat.

Comments
Post a Comment