The Reasons Why We Love Vinegar For Laundry
Karaniwang gawain ng mga Nanay sa tahanan ang paglalaba. Minsan tambak sa dami ang labahan minsan naman kaunti lang kapag siyempre kaunti lang ang nagbibihis.Pag nakita mo ang tambak ng labada iniisip mo pa lang kung paano ito lalabahan nakakapagod na.
Isa sa nakakainis kapag naglalaba ay ang amoy pawis sa mga labahan. Kapag di maayos ang paglalaba maiwan ang amoy sa damit at mabaho ang labada kahit lagyan pa ito ng fabric conditioner. Minsan may nabasa ako sa comment section ng isang post ng isang sikat na blogger tungkol sa paraan ng paglalaba sabi ng isang nag comment maglagay ng suka/vinegar sa huling banlaw ng labada para daw totally malinis ang nilabahan mo. Sinubukan kot ito pero di ko nagustuhan dahil medyo naaamoy ko ang asim ng suka sa mga damit siguro mali lang ang sukat ng suka na nailagay ko. Next laba day ko ang ginawa ko sa unang banlaw ko nilagyan ng vinegar.Kapag binasa ang mga damit doon ko nilalagay ang 2 kutsarang suka o depende sa dami ng lalabahan. Kapag marami ang labada dagdagan din ang dami ng suka sa tubig na pambasa sa labada. Nakakatuwa ang resulta dahil pagkatapos ko basain ang mga damit nawala na ang di magandang amoy kahit hindi pa ito nasabon. Maganda talaga ang naging resulta ng labada ko, fresh at mabango ito walang naiiwang di kaaya-ayang amoy. Kahit anong brand ng suka pwede basta white vinegar.
Isa rin sa nagpapalinis ng labada natin of course ang detergent na gamit natin. May kanya kanya tayong prefered na brand depende sa gusto nating amoy, quality ng sabon at sa budget. May nadiskubre akong budget friendly na detergent. Ito ang Wings Powder Detergent may extra washing power extra economical.Retail price sa sari-sari store 6 pesos per 70g and 26- 28 pesos sa 6 pieces. Marami siyang variant favorite ko ang kulay orange Floral fresh gusto ko ang bango niya pero kung medyo madumi ang labada I recommend ang yellow green with kalamansi scent.Kunting babad lang at kusot tanggal ang makapit na dumi at mantsa.Isang beses kasi ang maduming kurtina ko binabad ko sa Wings yellow green hinayaan ko muna ng ilang minutes bago ko kinusot at nagulat ako kunting kusot lang ginawa ko luminis na ang napakaruming kurtina.Kaya kapag sobrang dumi ng labada ko gamit ko Wings yellow green kapag medyo hindi naman Wings orange.Walang halong echos to base to sa sarili kong experience and hindi rin ito sponsored. Gusto ko lang ibahagi ang review ko sa sabon na to natuwa kasi ako sa magandang resulta ng labada ko.Hindi siya amoy kulob kapag sa loob ng bahay sinampay.Amoy malinis and fresh , mabula din kaya laking tipid at magaan sa bulsa. Kunting ingat lang sa mga particles nito iwasan ang direktang paglagay sa kamay dahil medyo matapang at nakakasugat, tunawin muna maigi sa tubig ang powder bago kusutin ang mga damit para maiwasan ang pagsusugat ng kamay.
Ang Wings Detergent ay Manufactured by: PTWINGS SURYA Surabaya, Indonesia Distributed by: Gentle Supreme Philippines,Inc.
To know more about their products and other variant visit their Facebook page.
Comments
Post a Comment