Posts

Showing posts with the label jeep

Jeep ng Pag-ibig

Image
Sige sakay ka sa jeep. Oh! hangin damhin kanyang ihip! Peep peep busina ng jeep. Parang busina ng puso mo Noong nakita mo siya. Nakakabingi di ba? Sige kapit lang baka mahulog ka, Mahulog ka sa kanya, At sana kapag nahulog ka Sasaluhin ka niya, Pero hindi eh! Kapag hulog ka na Hindi ka babagsak pababa Kasi iiwan ka niya sa ere! Sige kahit puno na sasakay ka pa rin Dahil gusto mo makarating sa destinasyon. Parang love life mo akala mo real Yun pala bunga lang ng iyong imahinasyon. Minsan pa nga sa kagustuhan mong makarating agad sa iyong pupuntahan, Sasabit ka na lang. Kahit alam mong nakipagsiksikan ka lang. Sakay lang, hangang marealize mo Nakakapagod pala ang sumabit, Dahil katotohanan sadyang masakit Tulad ng pagsabit mo sa jeep. Sa buhay niya isa ka lang kabit.