Posts

Showing posts with the label politics

Mas malalang Virus kaysa Covid-19 sa Pilipinas lang matatagpuan????

Image
            Dalawang taon mahigit na rin tayong nagdusa sa bagsik ng virus na Covid-19. Sino ba naman ang hindi naapektuhan sa virus na ito halos tumigil ang ikot ng mundo natin ng hindi natin inaasahan .Sa isang iglap hindi tayo pwedeng lumabas sa ating tahanan.Hindi pwedeng  bumyahe, walang masakyan. Ang mga mahihirap ay lalong naghirap dahil hind pwedeng maghanapbuhay. Umaasa na lamang sa ayuda ng may mabuting pusong nakakaluwag sa buhay. Swerte mo na lang kung naisali ka sa listahan ng mga nakatanggap ng ayuda mula sa gobyerno.              Ang malala ay ang mga taong namatay dahil sa virus. Marami ang nagdalamhati dahil nawalan ng mahal sa buhay. Ordinaryo o kilalang tao walang pinipili. Masakit sa puso kapag napapanood sa telebisyon ang mga mga iyak ng mga taong nawalan ng mahal sa buhay. Nakakatakot dahil hindi nakikita ang kalaban. Maaring ako, ikaw, siya na ang susunod. Tunay ngang binago ng Covid-19 virus ang ating buhay.              Ngunit hindi natin napapansin na may mas