Alamat ng Balimbing

 Naome Valentine 


 


       Sa bayan ng San Manuel ay may tatlong matalik na magkaibigan. Sina Bal, Lim at Bing. Si Bal ay isang abogado at kilala na isang matapang na tagapagtanggol ng mga naaapi at walang kakayahang kumuha ng abogado para ipagtanggol ang sarili nila sa korte. Si Lim ay isang Doctor at nagbibigay ng libreng serbisyo sa kanyang mga kababayan. Si Bing naman ay isang politiko. Ilang beses na siyang nahalal bilang Mayor ng San Manuel.  
          Kapag walang trabaho ang tatlong magkaibigan ay magkasama sila sa kubo sa loob ng malaking bahay nila Bing. Kumakain sila, magkwentuhan at inuman na rin.Sa kanilang tatlo si Bing ang nasusunod sa mga desisyon na kailangan nilang gawin. Kung ano ang sasabihin ni Bing iyon ang susundin nila Bal at Bing.
    
        " Pre bakit hindi kayo sumalang sa politika? Total naman ay kilala kayo, sigurado mananalo kayo. 
          Hindi na kailangan pre, ok na ako sa ganito sakit sa ulo lang yan! sagot ni Bal.
            Oo nga pre, ok na may kaibigan kaming mayor at soon to be senator, sagot naman ni Lim. 
             Ano ba kayo, mas masarap yung nasa kapangyarihan kayo! ginagalang,tinitingala, at maraming nakakakilala.

             Hindi man kumbinsido ang dalawa ay napapayag ito ni Bing na sumabak sa politika. Tumakbo si Bal bilang Mayor, at congressman naman si Lim. Dahil na rin sa impluwensya ni Bing ay walang kahirap hirap na nanalo ang dalawa niyang kaibigan. Tuwang tuwa ang tatlo dahil sa tagumpay na natamo nila.
 
               Dahil sa kapangyarihan bilang mga halal na mayor at congressman nagbago ang ugali ng tatlong magkaibigan. Mas lalo na si Bing na naging senator na. Naging mayabang at gahaman sa pera. Natuto silang mangamkam sa  kaban ng bayan. Naging mapagmalaki at di lumilingon sa kanilang pinanggalingan. Kung tutulong sila sa mga nangangailangan tiyak may kapalit ito. Di tulad noon na libre nilang ibinibigay ang serbisyo nila.

                Masyadong nalunod  sa tagumpay ang tatlo. Ayaw na nilang mawala sa listahan ng mga namumuno sa bansa. Kaya naman kung saang partido malakas at tiyak na makakuha sila ng suporta para manalo ay doon sila aanib.
Palipat lipat at wala ng paninindigan. Kung saan malakas ang ihip ng hangin doon sila, sabay sa agos ng tubig kahit di malinis.Kaaway nila ngayon, kaibigan nila sa susunod. Kaibigan ngayon kaaway bukas.

             Isang araw, nagkasiyahan ang tatlong magkaibigan. Pumunta sila sa isang pribadong beach. Masaya silang naliligo sa dagat sabay inom ng alak. Walang paglagyan ng kanilang tuwa dahil sa wakas makapaghinga din sila. Maya maya ay sumama ang panahon. Biglang lumakas ang ulan at hangin. Malalaking alon ang humampas sa baybayin kung saan naroon ang tatlong magkaibigan. Sa lakas ng alon ay kasamang naanod sina Bal, Lim, at Bing. Walang sumaklolo sa kanila dahil sa sama ng panahon.

         Isang linggo ang nakalipas ay hindi pa rin natagpuan ang tatlo. Di pa rin nahanap ang katawan nila. Naghinagpis ang bawat miyembro ng pamilya nila. Binalikan nila ang beach kung saan naligo sila Bal, Lim, at Bing baka sakaling makita nila ito. Ngunit bigo sila, wala ang mga ito kahit bangkay man lang.  

        Di malayo sa dalampasigan ay may tatlong puno  ng halaman ang tumubo. Nagtaka sila dahil tila nakalinya ito at para bang sinadyang itanim ng magkatabi. Ilang taon ang lumipas ay namunga ito ng parang hugis bituin. Tatlong puno na magkapareho. Pinaniwalaan nila na ito ay ang tatlong matalik na magkaibigan na sina Bal,Lim,at Bing. Para di sila malito pinangalanan nila ang puno ng BALIMBING.



Comments

Popular posts from this blog

gelatin salad

Burong sibuyas ( pickled onion)