Posts

Showing posts with the label Crispy Calamari crispy squid

Crispy Calamari Rings

Image
         Isa sa masarap na luto ng Squid ay ang iprito ito ng crispy. Nakakasawa kasi minsan ang karaniwang luto nito na adobo o inihaw. Masarap naman ito pero pag palaging ganun ang luto nakaka umay na. Masarap ang pritong pusit ulam sa kanin, pangmeryenda at pampulutan para sa mga manginginom.Tiyak na masarap ang inuman kapag may crispy calamari ka.            Paborito ng anak ko ang crispy squid  kaya nagluto ako kahit higpit ng budget ko.Di makaila na sa Pilipinas mahal ang pusit.Kaya sa kagaya ko na hindi nakakaluwag sa buhay hindi basta basta makabili nito. Swerte ko kasi may nakita ako palengke na medyo mura na pusit 75 ang kalahating kilo. Bumili ako ng isang piraso medyo malaki ito sa halagang 35 pesos. Tapos may kaunting harina ako at breeding mix sa bahay kaya nakatipid ako. Bumili ako ng isang pirasong Rebisco crackers tapos dinurog ko para gawing bread crumbs.            Nilinis ko muna ang pusit,tinanggal ang lamang loob at binalatan. Nilamas ko ng isang pirasong kalaman