Posts

Showing posts with the label Selfie

Tamang Anggulo

Image
Picture dito picture doon, Click dito click saan man naroon, Patagilid, paharap kahit pa patiwarik, Makuha lang ng selfie na perfect. Kay ganda nga namang pagmasdan. Kapag ikaw ay nakakuha ng magandang larawan. Nakakatuwa kapag maraming naglike sa iyong picture . Dalampasigan,kalangitan, bulaklak basta ba background ay nature. Nabibighani sila sa ngiti mong kay tamis. Ngunit totoo nga bang masaya ka? Di bat minsan pagkain mo ay panis! Ngunit sa iyong selfie may french fries. Akala nila busog ka Yun pala puro ka lies. Tamang anggulo nga bay nakuha mo na? Sapat ba ang linaw at ganda. Hindi bat ang mahalaga ay ang masayang alaala. Kasama ang mahal sa buhay at iyong pamilya. Di baleng background mo ay basura. Basta ba ito ay tunay at di edited. Aanhin mo ang tamang anggulo? Kung ang totoo naman ikaw ay malungkot. Pagdurusa lamang sa iyo ay hatid. Mas matimbang ang pagpapakatotoo, Kaysa tamang anggulo.