Posts

Showing posts with the label Tula para sa mga Nanay

Tula Para kay Nanay

Image
Si Nanay Si Nanay ay parang bulaklak Kanyang pagmamahal humahalimuyak Umaga hanggang hapon tumatalak Pasaway kasi kanyang mga anak Pagod man ang katawan Siya ay handang lumaban Ipaghanda ng pagkain ang pamilya Dahil doon siya masaya Sa hamon ng buhay May diskarte at matibay Sa anak laging nakaalalay Kahit ang buhok niya di pa nakasuklay Maganda niyang mukha Minsan di maipinta Dahil sa hirap at problema Ganun pa man matatag siya Kahit siya ay nasasaktan Hinding hindi siya mang-iiwan Yan si Nanay! Mahal ka niya habang buhay