Posts

Showing posts with the label wine

π‘¨π’π’‚π’Œ π’π’ˆ π‘·π’‚π’ˆ-π’Šπ’ƒπ’Šπ’ˆ

Image
  Noong ako' y nakatanggap ng sulat mula sayo. Nahilo ba ako? o sadyang baliw sayo? Bumilis tibok nitong puso. Sayo umiikot mundo ko. Kakaibang saya aking nadarama. Paligid ko'y puno ng kulay at saya. Lasing na lasing sa pagmamahal mo. Ngiti mo'y isang milyong tagay yata katumbas. Parang alak na gawa sa ubas. Kay sarap at kay tamis! Yung tama sa kalamnan ko sadyang walang mintis. Ngunit ang alak mo bay expired na? Bakit naglaho ka bigla? Sakit at lungkot naging kapalit, Ang sarap naging sakit. Maraming taon ang lumipas, Pagkalasing ko sayo'y di pa rin kupas Matindi pa ata sa lasing, Ito yata' y pagkapraning. Kasi umaasa pa rin ako Sa bandang huli maging tayo Ngunit paano nga ba? Ikaw may asawat pamilya na Tindi ng alcohol content mo. After 16 years heto ako lasing pa rin sayo!