The Invisible Criminal

 




       Noong una chill lang kami sa mga napapanuod namin sa balita. Relax lang pinapalaki lang ng media yan para may maibalita sila. May namamatay may pumapatay. Hindi ko alam kong drama lang ng iba at di ko maintindihan lalo sa ibang  bansa naman nangyayari ang binalitang patayan particularly sa China. Di sila basta basta makalabas dahil maaring isa sila sa maging target ni kamatayan. Ingat na ingat baka isa sila sa matamaan. Di ko alam maniwala ba ako sa mga nababasa ko at napanuod sa balita basta para sa akin ang panunuod ng balita sa tV ay isang libangan. Masarap pa kung may popcorn.

             Pero habang tumatagal nakakabahala na ang balita hindi na lang sa China may namamatay pati sa ibang panig ng mundo na rin. Parehong kaso di rin alam kong sino ang salarin. Maaring ang kriminal na galing sa China ay nakarating sa ibang part ng Asia o maging sa Europe at America. Walang may alam walang nakakita. Nalilito ang mga tao maging mga atoridad di maresolba ang kaso.
         " Masakit! sobrang sakit ang mawalan ng anak. Wala siyang kasalanan pero bakit siya kinuha sa amin. Napakasipag niya at wala siyang ibang pangarap, ang magandang buhay para sa pamilya niya. Excited kami sa pag-uwi niya galing ibang bansa.Gusto namin siya makasama at ipagluto ng paborito niyang sinigang. Pero isang masamang balita ang gumambala sa.amin. " Ma! huwag kang mabibigla.
Ha? bakit? seryoso naman ng bunso ko.
Bakit ka naiiyak? Siguro di ka pinapansin ng crush mo. Haha hayaan mo na pangit naman yun. Ma! wala na daw si ate. Wala talaga di ba nasa Hongkong siya? Ma, patay na daw. Isa siya sa naging target ng invisible criminal yung palaging nasa balita. Parang bombang sumabog sa teynga ni Aling Sonya ang narinig. Parang panaginip lang at di siya makapaniwala sa narinig. 
Huwag ka nga magbiro ng ganyan" di magandang biro yan. 
   "Ma, totoo nakita ko rin sa post sa facebook si ate nga ma, saka nag message na kay papa ang kaibigan ni ate. Pati sila takot na takot baka sila ang susunod. Hindi na sila lumalabas at nagtatago na lang sa loob ng bahay. Pero si ate Ma, isa talaga sa biktima.
         Hindi alam ni Aling Rosing ang gagawin niya. Matagal na niya na hindi nakasama ang anak dahil sa pagtatrabaho nito sa ibang bansa tapos mawala na lang ito bigla. Para siyang binagsakan ng mabigat na bagay. Nagdilim ang paningin niya at nawalan ng malay. Nagising siya na nasa loob ng kwarto nilang mag-asawa. Nabalot ng kalungkutan ang bawat puso  nila dahil sa pagkawala ng kanilang anak. 
           Masakit ang nangyari pero wala silang magawa kundi tanggapin ang lahat. Sa huling sandali ay hindi man lang nila masilayan ang anak.Hindi pwede iuwi ang bangkay ng kanilang anak dahil sa invisible criminal.Hindi rin sila pwedeng lumipad papuntang Hongkong.Tinanggap ng mag-anak ang nangyari kahit sobrang sakit.
            Pero hindi lang ang pamilya ni Aling Rosing ang biktima ng hindi kilalang criminal. Marami pa sila na ang kwento ay di alam ng karamihan.
       


                     "Hon" uwi ako sa birthday mo. Masayang balita ni Jake sa girlfriend niya na si Shane. Excited na siya dahil matagal na silang di nagkikita mga dalawang buwan na rin sa Maynila kasi siya nagtatrabaho habang sa Batangas naman nakatira si Shane.Halos magkapitbahay lang sila. Magkaklase noong Elementary at naging sila noong college na sila. Sa munisipyo nagtatrabaho si Shane sa BPO sa Maynila naman si Jake. Excited na rin si Shane na mayakap ang nobyo. Balak niya na isurprise ito sa pag-uwi niya. One month na siyang buntis at tiyak na matutuwa ito sa balita niya. Nag-alala si Shane para sa boyfriend niya dahil sa usap-usapan at balita tungkol sa di nakikilalang criminal. Naka alerto na ang mga kinaukulan sa buong Pilipinas. 
            March 10, 2020 masayang nagvideo call ang magkasintahan. 
" Babe sa 16 na uwi ko, nakapag impake na rin ako.
    "Talaga babe? excited na ako miss na kita e! "masayang sagot ni Shane.  Oo kaya humanda ka pabirong sabi ni Jake. 
" Ngiti na may kasamang pag irap naman ang tugon ni Shane. 

            Dalawang araw na lang March 16 na, puno ng excitement ang magkasintahan. Di na makapaghintay si Jake. Namalengke na rin si Shane at nag-imbak ng stocks sa ref nila para pag dumalaw ang nobyo ipagluto niya ito. Sinaing na tulungan, paborito ng mahal niya kaya medyo dinamihan niya ang pagbili ng tulingan. 
            Tiyak niya na maparami ng kain ang mahal niya dahil matagal na itong hindi  nakakain ng sinaing na tulingan. 
         Ngunit 6:30 ng gabi March 14 isang balita sa National TV ang gumulat sa lahat ipinagbawal ng Presidente ang byahe ng mga sasakyan palabas at papasok ng Metro Manila dahil sa di pa kilalang kriminal. Nadismaya ang magkasintahan at nalungkot dahil ilang araw na lang sana ay magkikita na sila. Isang buwan na walang byahe at tanging mga essential worker lang pwede. Ang surprise na balita sana niya sa nobyo ay hindi niya muna masabi sa personal. Saka na lang muna kapag pwede na ito umuwi, video call ang tanging paraan nila para maibsan ang pangungulila nila sa isa't isa. Ngunit ang malas nga naman biglang nawalan ng internet connection sa tinitirhan ni Jake hindi din siya makalabas dahil ipinagbawal ito ng pamahalaan dahil sa banta ng buhay ng mga individual. Si Shane muna ang nagtiyaga na tawagan siya. 
        Isang gabi nagyaya ang kasama ni Jake na uminom, sa loob lang ng compound nila. Dapat sila lang mga lalaki pero niyaya ng kasamahan niya ang dalawang  babae na nakatira sa second floor. Stress si Jake dahil sa naudlot na pag-uwi niya kaya gusto niyang malasing para maibsan ang lungkot at disappointment. Ala una na ng madaling araw sila natapos. Halos wala na sa katinuan si Jake, lasing na lasing. 
       Kinaumagahan masakit ang ulo, at naguluhan si Jake bakit nasa ibang kwarto siya. Unti-unti siyang bumangon at may nakita siyang underwear ng babae. "Gising ka na pala? boses ng babae galing sa CR. Lian, bakit ako nandito sa kwarto mo? " Di mo ba naalala ginawa natin kagabi? ang saya saya natin! Naguluhan si Jake at biglang tumakbo papunta sa inuupahan niyang kwarto. May bigla siyang naalala, nilalandi siya ni Lian habang umiinom sila. Alam niyang may gusto ito sa kanya pero balewala ito sa kanya dahil mahal na mahal niya si Shane. Sa dami ng nainom niya ay parang nawala siya sa ulirat at nadarang siya sa kamunduhan na mas lalong nag-aalab dahil sa espiritu ng alak.
         Wala siyang lakas na makipag usap kay Shane dahil sa pagkakamaling nagawa niya. Sinira niya ang relasyong ilang taon nilang binuo dahil lang sa isang beses na sarap. Di niya alam paano ipaliwanag ang nagawa niya at kung kaya ba siyang tanggapin ni Shane sa kabila ng nagawa niya.
      Sa Batangas takang taka si Shane kung bakit hindi matawagan ang cellphone ni Jake. Ilang linggo na rin at alalang alala na ito sa kasintahan. Halos mabaliw na siya sa kakaisip kung ano na ang nangyari sa mahal niya. Hindi na siya makakain, gusto niyang puntahan ito sa Maynila pero walang masakyan, dahil sa travel ban sa buong Pilipinas. Natatakot siya na isa ito sa pinatay ng di nakikita at nakikilalang kriminal.
   

    Hanggang tinatawagan niya ang kaibigan ni Jake at doon niya nalaman ang totoong nangyari. Halos di makapaniwala si Shane sa nalaman. Galit at pagkalito ang naramdaman niya. 
        

     Bakit mo nagawa sa akin ito?

Babe sorry, di ko sinasadya! Paiyak na sagot ni Jake sa kabilang linya.

Ang tagal na natin, bakit nagpatukso ka? Sobrang sakit ng ginawa mo sa akin! Kung kailan magkaanak na tayo saka ka pa nagloko.
Parang bombang sumabog iyon sa pandinig ni Jake. Ang dapat sana'y surpresang balita sa kanya.
      Ayoko ko na itigil na natin to! Shane please! Hindi ko mahal ang babaeng yun, ikaw ang mahal ko.
       Pero dahil sobrang nasaktan si Shane bingi siya sa mga paliwanag ni Jake.
          Nawalan sila ng communication sa isa't isa. Mga isang buwan na walang byahe kaya di maka uwi si Jake. Hanggang nabalitaan niya na nakunan si Shane. Ang dapat sana ay masayang pagmamahalan at may bunga na, ay biglang naglaho.Kasalanan ba ng kriminal? O kasalanan ng kamunduhan at karupukan?
            Iilan lang ang kwento nila sa masaklap na nangyari dahil sa di nakikitang criminal.

               Naging tahimik bigla ang mundo,bawal lumabas ng bahay, bawal makipagkita kahit sa mga kapamilya. Kahit kaharap ang mahal sa buhay bawal itong yakapin, bawal maglapit. Kailangang magsakripisyo para sa kaligtasan ng bawat isa. 

               Tahimik ang bawat kalye ng Metro Manila dahil sa banta ng di nakikitang kriminal.Walang traffic dahil hindi pwedeng umalis sa tahanan. Ang mga supermarke tat  grocery store nagkaubusan na ng paninda dahil nagpanic buying ang mga tao. Gusto nilang di maubusan ng pagkain habang nasa loob sila ng mga tahanan dahil nga bawal lumabas. Karamihan ay walang trabaho.Marami ang nangamba kung ano ang kakainin nila habang nakakulong sa loob ng pamamahay. Ang pagpasok sa trabaho ay naantala. Walang pasok sa paaralan ang mga studyante. Walang transportasyon.
               Marami ang natakot, at di alam ang gagawin dahil di nakikita ang kalaban. Paano kung ako na ang target? Ano ang magagawa ko?Paano ako lalaban.Maraming katanungan sa bawat isipan ng mga tao. Tumigil ang mundo yun ang pakiramdam ng bawat isa. Biglang hindi naging normal ang buhay. Para bang walang kasiguraduhan.Takot sa kamatayan dahil marami na ang binawian ng buhay. Takot para sa sarilli, takot para sa mahal sa buhay.

                Ang gobyerno ay may ginawa para sa kapakanan ng mamamayan. Nagbigay ng cash assistance para sa mga apektadong tao. Mga relief goods, medical supplies para sa mg kapus palad. Pero talagang may canccer sa lipunan ang mga pondong nakalaan sa mga nangangailangan ay napunta sa mga buwayang nasa katungkulan.Hindi nakakarating sa mga taong dapat tulungan. Swerte na lang kung may taong tapat sa tungkulin at handang maglingkod sa taong bayan.

                At tumigil ang mundo dahil sa "Invisible Criminal'. Maraming namatay, marami ang pinatay. Marami ang naging apektado. Marami ang nagbago.Yan ang dala ng COVID -19 virus ang di nakikitang kriminal.


        


        







Comments

Popular posts from this blog

Alamat ng Balimbing

Easy Recycling and DIY Ideas

gelatin salad