Pagsara ng ABS-CBN apektado ba ako?
Hindi maikaila na naging bahagi ang ABS-CBN ng buhay ko.Way back 1996 wala kaming TV at nakikinuod lang sa Tita ko.Kailangan naming lumakad sa dilim at magtakutan mapanuod lang ang paborito naming telenobela ng ABS-CBN. Di ko alam kung may iba bang channel noong panahong yun basta ang alam ko lang ABS-CBN nakikinuod lang naman kasi kami kung anong palabas e di yun din ang papanuorin naming nakikinuod dahil walang sariling telebisyon.Nakikiiyak kami sa bawat sakit na pinagdaanan ni Mara(Judy Ann Santos) at gigil na gigil kami kay Clara(Gladys Reyes) na inlove kami kay Christian (Wowee de Guzman) .Sinubaybayan ang ang bawat sulat na binabasa ni Charo Santos sa Maalaala Mo Kaya at iba pang palabas sa panahong yun.Ang alam lang ng batang katulad ko noon manuod at makinuod masaya na kami ng ate ko at iba pang mga bata na walang tv sa tahanan. Noong 17 years old ako naging working student ako at naging parte pa rin ng buhay ko ang panunuod ng palabas ng ABS-CBN ...