Hinanakit ng isang Ina na hindi maisiwalat


Alam kong parang wala akong kwenta sa mga pinaggagawa niya.Oo nanliliit ako sa mga sandaling sinasagot niya ako ng pabalang, mga sagot na may kasamang insulto.Pakiramdam ko napakawalang kwenta kong ina, na hindi ko siya naturuan ng magandang asal.Hindi eh! Hindi ganun dahil maliit pa lang siya tinuturo ko na sa kanya ang tama sa mali.May mabuting side naman siya.Pero pag tinoyo na ewan ba at mga masasamang salita ang lumalabas sa bibig sumasabog na lang bigla.Hindi ko maintindihan lalong hindi mo maintindihan dahil wala ka naman palagi at hindi mo nakikita ang mga pinaggagawa niya sa akin.Oo masakit sobrang sakit, at alam kong nasasaktan ka rin dahil hindi siya lumaki sa katangiang gusto mong maging siya. Hindi ko siya kinakampihan kundi pilit kong inuunawa kahit ang pagmamahal ko sa kanya ay minsang napapalitan ng galit.Gusto kong siyang saktan para maibsan ang galit, pero talaga ba? Talaga bang ito ang solusyon? Kapag nasaktan ba natin siya maging ok na siya?
             Mahirap intindihin at di ko alam kung bakit siya ganyan.Nakakapagod, nakakasawa, nakakastress,nakakatanda, nakakalagas ng buhok lahat na ng masamang epekto sa katawan.Dumating na rin ako sa point na gusto ko ng matulog ng hindi na nagigising.Pero alam mo ano iniisip ko? Paano ang mabaho kong katawan wala namang perang pampaligpit.Hirap, sakit, sama ng loob mas mabigat pa sa pagbuhat ng kilo kilong bubuhatin sa construksiyon.
      Siguro dahil Ina ako kaya hindi ako sumusuko.Mukha akong tanga oo na! Tanga na kung tanga.
         Ito ang mga salitang nasa nasa isip ko tuwing may bad temper ang anak ko.


G-SHOCK 2019 RANKING TOP 20

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Alamat ng Balimbing

Easy Recycling and DIY Ideas

gelatin salad