Mas malalang Virus kaysa Covid-19 sa Pilipinas lang matatagpuan????

 



          Dalawang taon mahigit na rin tayong nagdusa sa bagsik ng virus na Covid-19. Sino ba naman ang hindi naapektuhan sa virus na ito halos tumigil ang ikot ng mundo natin ng hindi natin inaasahan .Sa isang iglap hindi tayo pwedeng lumabas sa ating tahanan.Hindi pwedeng  bumyahe, walang masakyan. Ang mga mahihirap ay lalong naghirap dahil hind pwedeng maghanapbuhay. Umaasa na lamang sa ayuda ng may mabuting pusong nakakaluwag sa buhay. Swerte mo na lang kung naisali ka sa listahan ng mga nakatanggap ng ayuda mula sa gobyerno.

             Ang malala ay ang mga taong namatay dahil sa virus. Marami ang nagdalamhati dahil nawalan ng mahal sa buhay. Ordinaryo o kilalang tao walang pinipili. Masakit sa puso kapag napapanood sa telebisyon ang mga mga iyak ng mga taong nawalan ng mahal sa buhay. Nakakatakot dahil hindi nakikita ang kalaban. Maaring ako, ikaw, siya na ang susunod. Tunay ngang binago ng Covid-19 virus ang ating buhay.


             Ngunit hindi natin napapansin na may mas malalang Virus ang tumama na sa ating bansa. Hindi ko tiyak kung kailan ito nagsimulang nakapasok pero napakatagal na nitong virus na to na umiikot dito sa Pilipinas. Maarami ang apekatado pero hindi alintana. Mga taong walang boses para iparating ang mga hinaing. Mga taong may karapatan ngunit ninanakaw sa kanila ang karapatang ito.



Mga malalang epekto ng sinasabi kong virus



1.Nagiging instant artista

                                       Aarte siya o sila na sila ang pinakamabait, pinakamalinis at pinaka may busilak na puso na handang pagsilbihan ang mga mamamayan. Magkuwaring kapakanan ng nakakarami ang pakay pero ang totoo ito ay pansariling interes lamang.


2. Nagiging sinungaling! Magsinungaling para maging mabango ang pangalan at hahangaan ng nakakarami.


3. Nagiging palaaway. Palaaway na para bang batang inaagawan ng laruan. Aawayin ang katunggali at sisiraan kahit wala naman itong ginagawa sa kanyang masama.


4.Nagkakaroon ng amnesia. Nakakalimot, sa mga bagay bagay. Nakakalimutan ang kakampi, ang kaibigan, ang kapamilya at ito'y kanyang kalabanin.


5.Nagiging high blood. Tumataas ang pressure ng dugo kapag may sinabing hindi niya nagustuhan tungkol sa taong hinahangaan niya.


6. Nagiging violent. Nananakot, nananakit at malala maisipang ipatumba ang mga hadlang sa kanyang pinapangarap na tagumpay.


7.Nakakabulag! Ang mga ordinaryong tao ay nagiging bulag sa katotohanan. Kahit kitang kita ang mali sa palagay nila ito pa rin ay tama dahil sa kanilang maling paniniwala. Kahit isundot mo pa sa mga mata nila ang katotohanan hindi nila ito makikita dahil nilamon na ang utak nila ng virus na ito. Kumakalikot sa kaloob looban ng ng kanilang utak.


8. Nagkawatak watak ang mga tao sa Pilipinas. Hindi ba dapat isang bansa isang diwa? Pero dahil sa virus na ito nawala ang diwa ng pagkakaisa. Mga magkaibigan, mga mag-anak nag-away away dahil hindi magkasundo sa kanilang paniniwala.


                     Napakalupit talaga ng virus na ito. Ang pinaka sentro ng inaatake nito ay ang utak ng isang tao. Kapag tinamaan ka para kang nauulol. Ganyan ang "POLITIKA' sa Pilipinas parang virus na sumisira sa buhay ng ibang tao, sobrang stressful. Mga ordinaryong tao nag-aaway sa social media ang iba nagpapakalat ng fake news para maging mabango ang pangalan ng kanilang sinusuportahang kandidato. Kawawa ang mga taong hindi marunong sumuri ng kung fake o fact ang mga post sa social media dahil maniniwala na lamang sila sa maling nakita at nabasa.


                    Hindi ko talaga maintindihan kung bakit  ganito ang epekto ng politika sa ibang tao. Pero ako apektado rin dahil umiinit ulo ko kapag nakakita ng mga post ng mga nagbabangayang supporters ng mga kandidato. Ang mga batohan ng mga kandidato ng putik sa isat isa ay nakakaapekto rin sa akin. Para bang gusto ko silang sampalin at sabihing manahimik nga kayo! Magtrabaho at kumilos ng lang kayo ng tahimik. Kung maari lang sana.

                        Napakainit ng bangayan ng mga kandidato ngayong panahong ito na malapit na ang eleksiyon. Bawat kandidato sinasabing siya ang nararapat. Ang mga supporters ay gustong manalo ang bet nila. Sabi ng iba pagkatapos ng election hindi na tayo papansinin ng mga kandidatong ito. Oo tama dahil hindi naman tayo personal na kilala ng mga ito. Ngunit nakasalalay sa kanila kung paano tayo mamuhay sa mga susunod na taon.Dahil sa sila ang mamumuno sa ating bansa. Sa kanila nakasalalay ang ating ekonomiya,peace and order, o ang kapakanan natin bilang mamamayan ng Pilipinas.



Ang aking kakaibang manliligaw  


Alamat ng Balimbing



Comments

Popular posts from this blog

Alamat ng Balimbing

Easy Recycling and DIY Ideas

gelatin salad