Ang aking kakaibang manliligaw
Inaamin ko di naman ako kagandahan, mukhang tao lang saka hindi rin ako matangkad.Hindi umabot ng 5 ang height ko. Pero nagtataka talaga ako ang daming nanliligaw sa akin. May nanliligaw sa akin dami nilang pangako, iaahon daw nila ako sa hirap. Meron naman protektahan daw nila ako at tiyaking ligtas ako kahit maglakad pa ako sa isang madilim na kalsada. Yung isa sabi bigyan kita ng trabaho. Meron din sabi titiyakin niya may sapat na pagkain kami, malusog at libre ang bayad sa hospital. Ang totoo lang may ilan sa kanila nΓ sinagot ko. Binigay ko ang buong puso at tiwala ko. Pero lumipas ang tatlong taon, meron pa nga umabot ng anim na taon. Ang pangako nila napapako. Sinaktan lang nila ako at iniwang umaasa.
Heto ako naiwang walang pag-asa. Wasak na wasak ako. Pero ang dami ko talagang manliligaw, haba talaga ng hair ko. Lahat sila gustong makamit ang matamis kong oo. Ang dami na naman nilang pangako. Sarap isipin na kasali ako sa pagbuo ng pangarap nila. Ang kulit nila, pero sawang sawa na ako. Ayaw ko na magpaligaw. Ayaw ko na mamili dahil sa palagay ko pare pareho lang lahat sila ginagamit lang ako. Hindi ko yata talaga mahanap ang aking forever. Yung taong tunay na maging daan ng aking tunay na kaligayahan. Yung forever na may tunay na malasakit. Ganyan ang mga kandidato,ang mga politiko mabulaklak ang bibig para makuha ang boto natin. Masugid na manliligaw sa mga tao makuha lang ang boto at maluklok sa pwesto.Pagkatapos manalo nakalimutan na ang mga pangako. Magpaligaw pa ba ako? Magpaligaw ka ba? Libreng manligaw wag asahan na oo ang sagot ko.
Comments
Post a Comment