Tula Para kay Nanay


Si Nanay



Si Nanay ay parang bulaklak
Kanyang pagmamahal humahalimuyak
Umaga hanggang hapon tumatalak
Pasaway kasi kanyang mga anak

Pagod man ang katawan
Siya ay handang lumaban
Ipaghanda ng pagkain ang pamilya
Dahil doon siya masaya

Sa hamon ng buhay
May diskarte at matibay
Sa anak laging nakaalalay
Kahit ang buhok niya di pa nakasuklay

Maganda niyang mukha
Minsan di maipinta
Dahil sa hirap at problema
Ganun pa man matatag siya

Kahit siya ay nasasaktan
Hinding hindi siya mang-iiwan
Yan si Nanay!
Mahal ka niya habang buhay

Comments

Popular posts from this blog

Alamat ng Balimbing

Chicken Feet Soup Filipino Style

Tofu Recipes and Health Benefits