Masakit na Pang-uri
Mataba, ay isang Pang-uri
Pang-uri na naglalarawan.
Mataba ay isang salita lamang.
Ngunit bakit pag sinabihan ka ng mataba ka o tumataba ka.
May kurot ito sa puso mo, hindi lang kurot ngunit may sundot sa isip mo.
Maging concious ka, tapos maguilty dahil sa dami ng kinain mo.
Mataba, simpleng paglalarawan pero ang hatid nito sa taong nilalarawan ay sakit sa kalooban.
Dahil sa bawat banggit mo ng salitang ito para bang may kasamang pangungutya.
Minsan pumunta ako sa isang pagtitipon. Sabi ang taba mo, mahirapan ka makakuha ng manliligaw.
Nanliit ako at pakiramdam ko ang pangit ko at wala akong silbi sa mundo.
Yun bang feeling na I don't belong
Mataba salita na may pangungutya hindi paglalarawan.
Malala pa sa pangit. Kasi pag pangit ka, di nman sasabihin sayo lalo kang pumapangit.
Pero ito na ata ang pina ka honest na adjective o Pang-uri.
Kasi nman kakakita niyo pa lang sabihin agad sayo taba mo, ni hindi mo naman hiniling sa kanila na ilarawan ka.
Yun talaga ang mundo e mapanghusga.
Kaya kung di kanila mahal, mahalin mo sarili mo at maniwala ka sa iyong kakayahan.
Dahil walang ibang lalaban para sayo
Kundi ikaw mismo.
Comments
Post a Comment