Top 6 Korean Actors na pinaka like ko


             Matagal na akong nanunuod ng Korean Drama /Korea Nobela. Mga 21 years old siguro ako unang nakapanuod nito pati Korean movie. Isa sa pampalipas oras at entertainment na rin. We can't deny na ang dami ng Kdramang pinalabas sa Pilipinas sa pamamagitan ng ating local tv channels. Dati ordinaryong manunuod lang ako hindi masyadong observant sa bawat detalye ng mga pinapanuod ko. Pero natutuwa ako sa mga magandang view or tanawin plus yung food nila isa sa mga interesting para sa akin.

           Dahil sa Covid-19 pandemic at naka quarantine sa bahay bawal lumabas at gumala watching Kdarama ang isa sa mga naging libangan ko. Salamat sa mga matiyagang group admin sa facebook na nagbibigay ng mga libreng link. First time kong nanuod ng Kdrama online palagi kasing sa TV yung mga naka dub sa tagalog. At dahil doon naging addict na ako sa Kdrama madaling araw na akong natutulog dahil sa excitement na tapusin ang mga episodes. At natuto akong maging maharot hahaha charot pero yes totoo yun bang natuto akong kiligin sa mga oppa.Kinilig naman na ako dati pero naging iba ang epekto sa akin ng mga latest na napanuod ko.Siguro dahil nga quarantine nasa panunuod lang ng Kdrama ang attention ko. At dumating ako sa point na parang na attach ako sa mga characters sa palabas gusto kong makasama in real life ang favorite kong oppa.May iniiyakan pa talaga ako sa kanila.

         At dahil diyan papangalanan ko ang top 6 oppa na tumatak sa isip at puso ko. Mga Korean actor na I found them amazing at kumiliti sa puso ko.



6. Kim Hyun Joong

Siya yung first crush kong Korean actor way back 2010  noong pinapalabas ang Boys Over Flowers dito sa Pilipinas. Nakakakilig ang smile niya at long hair bilang si Jihoo.



5.Song Seung Heon

      Di ko naman siya crush kahit good looking siya pero napahanga ako sa youthful look niya hindi nagbago ang itsura simula noong napanuod ko siya sa Endless Love 1 hanggang sa latest drama niyang Dinner Mate. Napa sana all na lang ako. I think 44 years old na siya pero parang nasa 20's pa rin ang itsura. Nahiya ang pagka 37 years old ko e at mapatanong ka ano kaya secret niya?



4.Lee Dong Wook

       Ang hot and sexy and I like his lips. Isa siya sa mga inaabangan ko na magkaroon ng latest Kdrama and excited na ako sa Nine Tailed Gumiho.


3. Park Bo Gum

        Naging crush ko to ng pinalabas s Abs-cbn ang Love in the Moonlight. Ang sweet ng smile at napahanga ako dahil ang galing niya mag English hindi ka mahirapan intindihin kung ano sinasabi niya dahil he can speak English lalo na noong pumunta siya dito sa Pilipinas. And recently may nabasa akong article tungkol sa secret na pagtulong niya sa isang orphanage ang bait naman di ba?



2. Lee Min Ho 


       2010 pa lang like ko na Facebook page niya wala lang gusto ko lang ng updates sa kanya dahil lagi siyang nasa balita lalo na tuwing pumupunta siya dito sa Pilipinas.Pero dahil sa The King:Eternal Monarch naging crush ko siya sarap lang titigan ng mukha nakaka in love. Nakakatuwa pa dahil laging may update sa IG niya. Nakakakilig tong Min Ho na to parang ang sarap magpa kiss at magpayakap sa kanya. 



1. Bae Yong Joon

          Kung  baguhang Kdrama fans ka di mo siya kilala. Matagal na kasi siyang hindi umarte at naka  focus sa business niya at pamilya. Kilala bilang Kang Joon Sang sa palabas na Winter Sonata year 2002. Pinalabas dito sa Pilipinas pero iwan kung bakit di ko napanuod noong time na yun. Wala akong kamuwang muwang may Winter Sonata pala na Kdrama at may Korean actor na Bae Yong Joon. At dahil nga sa quarantine dahil sa Covid-19 naghahanap ako ng mapanuod online. Dahil sa bida ng Dinner Mate na si Song Seung Heon naisipan kong panuorin ang Endless Love 1  habang naghihintay ng next episode sa Dinner Mate hindi ko kasi ito natapos panuorin noon ng pinalabas sa GMA. Dahil ang Endless Love ay series from Endless Love 1 to 4 nagpasya akong panuorin lahat. Sabi ko pa ng tiningnan ko picture ng Winter Sonata(Endless Love 2) parang ang pangit di ko type ang male lead star at di ko kilala. Pero dahil nga gusto kong panuorin up to 4 inumpisahan ko na. First episode pa lang iwan bakit ba kilig na kilig ako at una kong napansin ang long hair at smile ni Kang Jun Sang( Bae Yong Joon)  na kahawig  ni Ji Ho ( Kim Hyun Joong) bida sa Boys over Flowers. Kinilig ako sa story at sa smile ni Bae Yong Joon. Kilig iyak ako sa dramang to at ang malala di mawala sa isip ko mukha ni Bae Yong Joon as in parang minahal ko siya na parang jowa ko.Kahit natapos ko ng panuorin ang Winter Sonata iniisip ko pa rin mukha ni Bae Yong Joon.Hindi ako masyadong nakakain kakaisip sa kanya. Para bang  bumalik ako pagka teenager.Nag search ako sa social media tungkol sa kanya pero mga lumang updates lang ang meron. Walang bakas na active pa siya sa showbiz.Nakuntento na lang ako sa panunuod ng mga luma niyang movie at kdrama pati mga OST ng mga kdrama at movies niya dinownload at paulit ulit kong pinakinggan. Iwan ko ba bakit iba ang naramdaman ko kay Yong Joon gusto kong hanapin at makita in person as if naman may datong akong pang punta ng Korea haha! Di ko talaga sinasadya ang naramdaman ko  nainis na nga ako sa sarili ko dahil dumating sa point na nawalan ako ng gana sa partner ko. Gusto ko si Bae Yong Joon medyo lumayo loob ko talaga sa partner ko. Umiiyak pa ako na nalilito sa sarili ko alam ko namang may Park So Jin na si Bae Yong Joon e pero alam mo yung ang naughty ng imagination ko na someday magkaroon ng katuparan ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kong may nakaramdam din ng ganito yung ibang may celebrity crush. Sa. ngayon medyo naka move on na ako( πŸ˜ƒ) bumalik na ako sa realidad at si Lee Min Ho na lang ini stalk sa Instagram pero hoping na sana magkaroon ulit ng isang Kdrama mula kay Bae Yong Joon.
        





Comments

Popular posts from this blog

Alamat ng Balimbing

Easy Recycling and DIY Ideas

Fried Chicken ala Max's with Tanglad