Pakbet Malunggay Fried Rice

         Para sa mga mahilig sa gulay at gusto makatipid pwede subukan tong recipe na to.Kapag kulang sa budget pero gusto ng masustansyang pagkain. Kumpleto  sa vitamins and fiber dahil sa sahog nitong gulay may protein dahil may isda rin.Naisipan ko ang recipe na to ng sumali ako sa contest sa Facebook kung saan pagalingan sa pagluluto ng rice recipe.Hindi man ako pinalad na manalo pero masarap naman ang nadiskubre kong bagong recipe, complete meal na sa loob ng isang plato.



Ingredients


2 tbsp minced garlic
2 tbsp onion
2 1 1/2 cup squash slice in small cube
2 tbsp slice tomato
1/4 cup string beans
1/4 cup eggplant & okra
1/4 cup malunggay leaves
1 tbps small slice ampalaya
2t tbps oil
1/2 cup hinimay na fried fish
2tbps soy sauce
2 cups cooked rice

Procedure





*Pukuluan ng bahagya ang malunggay leaves at itabi.


Igisa ang bawang, sibuyas, kamatis at hinimay na isda.


Idagdag ang kalabasa, okra,sitaw,talong and ampalaya.Haluin hanggang maluto ng bahagya.

Kapag medyo luto na ang gulay ilagay na ang rice at haluin.



Templahan ng soy sauce haluin maigi.


Add Malunggay leaves


Haluin maigi at pwede na iserve.




Comments

Popular posts from this blog

Alamat ng Balimbing

Easy Recycling and DIY Ideas

gelatin salad