DIY Tomato Soap

        Gustong gusto ko talaga magkaroon ng glass skin. Yung katulad ng skin ng mga Korean na napanuod ko sa mga Kdrama.May nakita akong Tomato Soap sa  Facebook page ng Watsons.Di ko maalala ang brand.At sabi pwedeng magkapagpa glass skin.Gusto kong bumili pero di afford ng tulad kong walang budget.Kaya nagsearch ako at nanuod ng videos kung paano gumawa ng tomato soap.Bakit tomato soap ang gusto ko? Part kasi ng beauty routine ko ang tomato.Pinapahid ko sa mukha dahil alam kong marami itong magandang benefits sa skin.
Di talaga to original dahil ginaya ko lang siya.Pero ginamit ko yung Mestiza soap ito kasi talaga gamit ko.Natural din naman ingredients niya pero gusto ko may tomato.
      Mga paraan ng paggawa ng tomato soap.

1 Pili ka ng sabon na hiyang sayo, ako I used Mestiza.
2. Grate mo yung sabon.
3.Magdurog ng kamatis or pag may blender mas maganda.Kunin ang katas at itabi muna.
4. Paghaluin ang ginadgad na sabon at katas ng kamatis.
5.Isalin sa lalagyan na pwede paglutuan, ako gumamit ng liyanera.Lutuin hanggang sa malusaw ang sabon at mix na sa kamatis.
6.Hintaying lumapot, at ilagay sa hulmahan, kung ano desired mong shape.
7.Palamigin, kung may ref mas maganda para mabilis tumigas.Pag matigas pwede ng gamitin.
Note: skin test muna,try muna sa maliit na part ng katawan.Di porke ok sa akin e ok din sayo.
Pero para sa akin ok siya at maganda ang effect.


Comments

Popular posts from this blog

Alamat ng Balimbing

Chicken Feet Soup Filipino Style

Tofu Recipes and Health Benefits