Kumusta?
Isang salita madaling sagutin,
Ok lang naman ako, ganun pa rin
Kadalasan nating sagot
Kunwari ok lang pero malungkot;
Ayaw ilabas ang hugot
Dahil sa mapanghusga natatakot
Oo inaamin ko
Dumating ako sa punto
Ang simpleng salitang kumusta
Di ko na masagot pa
Dahil di ko rin alam
Ang tunay kong nararamdan
Kumusta na nga ba ako?
Ni hindi ko rin masagot sarili ko.
Comments
Post a Comment