Simple Secrets to Totally Rocking Your Leftover Food

 


Mahal ang bilihin ngayon karne,isda, gulay pati sili at sibuyas ang taas ng presyo. Kaya nakakapanghinayang magtapon ng tirang pagkain. Minsan kasi kapag umabot na hanggang kinabukasan ang ulam kahit hindi naman panis o sira nakakawalang ganang kainin ulit dahil nakakasawa na. Lalo na ang mga bata madaling magsawa sa ulam lalo kapag may sahog na gulay. Kaysa masayang at itapon  naisipan kong lutuin ulit ang natirang ulam hindi lang ipainit pero gawing bagong putahe.

         What to do with tirang nilaga, sinigang or adobo?


Here we go! Let's go! ihanda ang mga sumusunod:


bawang

sibuyas

sili

toyo

mantika

seasoning (optional)


Ihiwalay ang karne sa mga gulay ng sinigang or nilaga. Alisin ang sabaw. I shred or himayin ang karne.Timplahan ng toyo or kung gusto niyo pwede lagyan ng seasoning. Ilagay ang bawang at sibuyas at saka sili. Haluin maigi para manuot ang toyo sa hibla ng karne. Kung adobo ang gagamitin wag na maglagay ng toyo dahil maalat na ito. Pagkatapos mahalo ng maigi magpainit ng mantika sapat na dami para ma deep fry ang hinimay na karne.Iprito ang karne hanggang maging golden brown at maging crispy. May bago ka ng lutong ulam.Masarap sa bagong saing na kanin or pwedeng toppings sa sinangag.








Ito naman tirang nilaga. Nilagyan ng seasoning and garlic then coat with crispy fry tapos deep fry until golden brown.







Comments

Popular posts from this blog

Alamat ng Balimbing

gelatin salad

Easy Recycling and DIY Ideas