Posts

Showing posts from June, 2022

Ginataang Tulingan

Image
Ingredients 1/2 kilogram medium size Tulingan or depende sa laki at dami na gusto ninyo  1 cup gata ng niyog  Pechay  Siling berde  Paminta  Seasoning, asin or patis  Suka  Sibuyas  Bawang  Luya  Mantika    *Iprito ng bahagya ang tulingan.  * Pagkatapos iprito laygan ng 3 kutsarang suka kaunting tubig,hiniwang luya,sibuyas at bawang. Timplahan ng asin or seasoning tapos paminta. Pakuluin ng tatlong minuto.  *Ibuhos ang gata at hayaang kumulo hanggang mag reduce ang sabaw at lumabas ang mantika ng niyog.  *Ilagay ang pechay at siling berde.  *Pakuluin hanggang maluto ang pechay.  *Serve with mainit na kanin and enjoy.

Crispy Mini Eggplant Omellete with two kinds of dipping sauce

Image
            Nakabili ako ng maliliit na talong dapat ay igigisa ko lang ito with oyster sauce and kunting karneng baboy pero sabi ng anak ko itorta na lang daw. Nag- alangan ako kasi maliliit nga ang nabili ko. Pero mas ok pala kapag maliit kasi madaling maluto. Madali ding lagyan ng coating tulad ng itlog.               May napanood akong video na instead na itlog lang ang ilagay nilagyan niya  ng Crispy Fry breeding mix para sa fried chicken.Naisipan kong lagyan ito para masubukan kung ano nga ba ang lasa kapag may Crispy fry. At masarap pala siya at naging crispy ang tortang talong. Dahil may natira pang kaunting crispy fry naisipan ko na ring gumawa ng gravy para sawsawan. Tapos may suka ako ng burong sibuyas masarap din na sawsawan sabay kain na rin ng burong sibuyas.    Crispy Eggplant Omellete  Ingredients             Eggplant          ...