Ginataang Tilapia
Ingredients 1 kilo medium size tilapia Bawang Sibuyas Luya Suka asin paminta 2-3 cups gata paminta seasoning( optional) pechay siling haba tubig Procedure *Hiwain ang tilapia ng kalahati pwede rin namang buo. *Ilagay sa kaserola or kahit anong klaseng lutuan meron sa bahay niyo. *Ilagay ang hiniwang, sibuyas, luya, bawang, at paminta. *Lagyan ng kalahating tasang tubig at 2 kutsarang suka. *Pakuluin hanggang 10-15 minutes tapos ibuhos ang gata ng niyog. *Hayaang kumulo hanggang medyo mag reduce ang sabaw. *Timplahan ng asin o kaya ay seasoning.Idagdag ang pechay at sili.Pakuluin hanggang maging luto ang pechay. At pwede na itong ihain kasama ang mainit na kanin.